Saleslady tumalon mula sa bus, natodas
April 16, 2002 | 12:00am
Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang magandang saleslady makaraang tumalon sa sinasakyang bus at magulungan nang mawalan ng panimbang dahil hindi ito ibinaba sa lugar na pinaparadahan kahapon ng hapon sa Quezon City.
Halos hindi na makilala ang mukha ni Sally Atienza, 22, ng Capistrano Subd., Lucena City, nang magulungan ng sinasakyang bus.
Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Bonifacio Rubio, driver ng Pamana Transport Services, Inc., may plakang CVW-395 matapos ang karumal-dumal na aksidente.
Batay sa inisyal na ulat ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Central Police District, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa ilalim ng flyover malapit sa Metro Rail Transit (MRT) terminal sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue.
Ayon sa pahayag ni Raymundo Ariser, konduktor ng bus na biyaheng Monumento-Cubao, papaakyat umano sila ng flyover nang biglang pumara ang biktima kasama ang isang di-kilalang babae; pinagbawalan umano niya ito sa dahilang bawal bumaba sa nasabing lugar.
Ngunit agad na bumaba umano ang di-kilalang babae na kasama ang biktima kayat mabilis na humabol ang huli at posibleng sa takot na maiwanan ng kasama ay nagpumilit itong bumaba ng bus at tumalon. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am