^

Metro

6 opisyales ng UCPB kinasuhan

-
Kinasuhan ng estafa at panloloko ang anim na opisyales ng United Coconut Planter’s Bank (UCPB) matapos umanong lituhin sa paniningil ang kanilang kliyente na may ni-loan na milyong piso sa Makati City.

Sa walong pahinang resolusyon na ipinalabas ni Asst. Chief State Prosecutor Leonardo C. Guiyab Jr., ang mga nahaharap sa nasabing kaso ay nakilalang sina Jeronimo U.Kilayko, Lorenzo V. Tan, Atty. Virgilio S. Jacinto, Enrique L. Gana, Jaime W. Jacinto at Emily Lazaro.

Ang naghain ng reklamo sa Makati Prosecutors Office ay ang Eulalio Ganzon Inc., (EGI) makaraang mapatunayan ng kanilang abogado na sila ay naloko sa proseso at paraan ng pagbabayad sa nai-loan nilang milyong piso sa nasabing bangko noong 1994.

Nabatid na una nang ibinasura ng korte ang kasong estafa sa anim na respondents subalit nang ito ay muling suriin ay napatunayan na mayroong elemento ng panloloko sa panig ng EGI kaya’t inirekomenda ng Prosecutors Office na ituloy ang usapin sa korte.

Napag-alaman na lumobo ang interes ng loan ng EGI sa nasabing banko noong 1999 kaya naman ay nailit ng banko ang kolateral na properties ng EGI.

Nadiskubre kamakailan lang ng abogado ng EGI na nakabayad na sila matapos na rebisahin ang isang internal memorandum na nagresulta sa pagbawi ng EGI. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHIEF STATE PROSECUTOR LEONARDO C

EMILY LAZARO

ENRIQUE L

EULALIO GANZON INC

GUIYAB JR.

JACINTO

JAIME W

JERONIMO U

LORDETH BONILLA

LORENZO V

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with