^

Metro

40-anyos tinigok sa saksak ng kaibigan

-
Isang 40-anyos na lalaki ang pinatay sa saksak ng kanyang matalik na kaibigan kamakalawa ng gabi matapos na akusahan nito ang huli na ginulpi ang 12-anyos na inaanak nito sa Brgy. Manresa, Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa isang ospital ang biktimang si Donato Domingo, ng 189 Del Monte Ave., matapos magtamo ng mga saksak sa katawan.

Ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Garry Saesi ay mabilis na tumakas kasama ang isang hindi kilalang lalaki.

Sa ulat,dakong alas-10:30 ng gabi ay naawa ang biktima sa nabalitaan nitong panggugulpi sa kanyang inaanak na lalaki ng suspek habang ito ay lasing. Nagkataon naman dumaan sa kanilang bahay ang suspek at tinawag ito ng biktima.

Agad na kinompronta ng biktima ang suspek at tinanong kung bakit nito sinaktan ang kanyang inaanak.

Pinabulaanan naman ito ng suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ng maraming beses sa katawan ang biktima at pagkatapos ay tumakas. (Ulat ni Matthew Estabillo)

vuukle comment

BRGY

BUMUNOT

DEL MONTE AVE

DONATO DOMINGO

GARRY SAESI

ISANG

MANRESA

MATTHEW ESTABILLO

NAGKATAON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with