Sinabi ni Secretary Raul Roco na masyadong nahuhuli ang mga Pinoy na mag-aaral sa matematika maging sa mga karatig-bansa natin sa South East Asia (SEA).
Ang isa sa pangunahing dahilan umano nito ay ang pagkabalam ng implementasyon ng Basic Education Curriculum o mas kilala na "millennium curriculum" na nagpapalabas sa 8 aralin sa lima na lamang ang pag-aaralan.
Matitira rito ang Mathematics, Science, Filipino, English at ang bagong Makabayan. Tinanggal na ang dating Araling Panlipunan, Values Education, Practical Arts, Physical Education, Health and Music (PEHM). (Ulat ni Danilo Garcia)