Mag-utol na paslit patay sa sunog
April 11, 2002 | 12:00am
Isang magkapatid na paslit ang namatay habang ang ama nila ay nilalapatan ng lunas matapos masunog ang kanilang bahay sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling araw.
Halos hindi na makilala ang biktimang si Pamela Marie Valenzuela, 3, dahil sa pagkasunog ng buong katawan nito habang ang kanyang kapatid na si Sebastian, 4, ay namatay sa suffocation.
Ang ama nilang si Rolando Valenzuela ay inoobserbahan sa PGH sanhi ng tinamong 2nd degree burn.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, ang sunog ay naganap dakong alas-2:50 ng madaling araw sa panulukan ng Francisco at Oro st.,sa nasabing lugar.
Ang sunog ay nagsimula sa bahay ng biyenan ni Valenzuela sanhi umano ng faulty electrical wiring na nagkataon naman na ang mag-aama ay nakitulog lamang.
Tinangka na iligtas ni Rolando ang dalawang anak subalit hindi na niya kayang gawin dahil sa malaki na ang apoy.
Tumagal ang sunog ng halos 40 minuto at walang nadamay na ibang kabahayan maliban sa bahay ng mga biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended