^

Metro

Pulis-WPD inaresto sa video karera

-
Inaresto ng hepe ng pulisya ng Malabon ang isang pulis-WPD na umanoy maintainer ng sugal na video karera matapos nitong gustong kunin sa loob ng presinto ang mga nakumpiskang makina ng nasabing sugal kahapon ng madaling araw.

Si Supt. Pedro Ramos, hepe ng Malabon police ang umaresto sa suspek na si SPO1 Jessie Ramos na residente ng Hulong Duhat, Malabon City.

Ayon kay Supt. Ramos, isang tawag umano sa telepono ang kanyang natanggap at isinusumbong ang suspek na umanoy nagpapakilalang kanyang kamag-anak na nagmamantine umano ng video karera sa kanilang lugar.

Kaagad na nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad sa lugar ng suspek dakong alas-3 ng madaling araw at nakumpiska mula dito ang dalawang video karera machine at agad na tumakas ang suspek.

Subalit makalipas ang isang oras ay dumating ang suspek na naka-uniporme pa sa opisina ni Supt. Ramos at kinukuha ang nakumpiskang makina.

Dahilan ito para makumpirma ni Supt. Ramos na ito ang maintainer ng nasabing sugal kaya’t ito ay kanyang inaresto.

Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling si SPO1 Ramos sa piskalya at kapag napatunayan na ito umano ay maintainer ng video karera ay posible umanong masibak ito sa serbisyo.

Pinabulaanan din ni Supt. Ramos na kamag-anak niya ang suspek katulad ng ginagawa nitong pagpapakilala sa kanyang lugar. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

DAHILAN

GEMMA AMARGO

HULONG DUHAT

JESSIE RAMOS

MALABON

MALABON CITY

PEDRO RAMOS

RAMOS

SI SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with