Mag-aamang 'tulak' nasakote

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Western Police District (WPD) ang mag-aama na umano’y pusher na nahulihan ng may 200 gramo ng shabu at tinangka pang iligtas ang mga ito ng kanilang kaanak sa naganap na drug buy-bust operation sa Quiapo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ni WPD Director Nicolas Pasinos ang mga nadakip na sina Mohain, 78; Arafat Balayo, 30, at Lovely, 17, ng 2nd Flr. Jend L. Bldg., #346 Carlos Palanca St. Naaresto rin ang isa pang kamag-anakan ng mga suspek na si Amilyn Arimao, 27, ng #248 Katuparan St., Commonwealth, QC, na nagsisilbi umanong financier ng grupo. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments