Old-maid ginulpi ng nobyong Kano sa selos

Dahil sa matinding selos, isang matandang dalaga ang ginulpi ng kanyang live-in partner na isang American national, kamakalawa sa Makati City.

Nagtamo ng mga pasa sa katawan ang biktimang si Irene Umali, 48, ng #9202 A. Catmon St., Brgy. San Antonio Village ng lungsod na ito.

Samantala, ang suspek ay nakilalang si Thomas James Devine, 48, pansamantalang nanun uluyan sa nabanggit na lugar, hanggang sa ngayon ay nakalalaya pa.

Ayon kay Insp. Solitaire Montayre, hepe ng Women and Children’s Desk Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:45 kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nagselos umano ang babae at pinaghihinalaan nito na may ibang babaeng kinakalokohan ang suspek.

Nagalit ang dayuhan sa matinding pagseselos ng babae kaya walang sabi-sabing ginulpi niya ito.

Dahil sa insidenteng ito, kaagad nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at ipinagharap ng reklamo ang live-in partner. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments