^

Metro

Fil-Chinese Day, gugunitain sa Maynila

-
Iminungkahi ng isang konsehal sa Maynila ang pagtatakda ng isang araw kada taon upang ipagdiwang ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino, gaya ng taunang pagdiriwang ng Fil-Am Friendship Day.

Sa isang resolusyon, hiniling ni Konsehal Lou Veloso (6th District) ang pagtatakda sa ikaapat na Linggo ng kada taon bilang "Phil-China Traditional Cultural Festival Day".

Ito ay kaugnay ng taunang pagdiriwang ng Chinese New Year at Spring Lantern Festival.

Inaasahan umano na sa pamamagitan ng naturang okasyon, magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ng Maynila at iba’t ibang Chinese-speaking schools na magkaroon ng sama-samang aktibidad gaya ng paggawa ng mga lanterns at floats na maaaring magamit sa motorcade parade.

Ang resolusyon ay bilang tugon sa liham ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau na humihiling sa konseho na gumawa ng hakbang ukol sa mungkahi ni Josepy Sy, president, Filipino-Chinese Youth Educational Center and Chamber of the Philippines-Chinese Science, Technology, Economy and Trade Promotions, Inc. na magdeklara nga ng isang araw upang ipagdiwang ang nasabing okasyon. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

CHINESE NEW YEAR

ECONOMY AND TRADE PROMOTIONS

FIL-AM FRIENDSHIP DAY

FILIPINO-CHINESE YOUTH EDUCATIONAL CENTER AND CHAMBER OF THE PHILIPPINES-CHINESE SCIENCE

JOSEPY SY

KONSEHAL LOU VELOSO

MANILA TOURISM AND CULTURAL AFFAIRS BUREAU

MAYNILA

PHIL-CHINA TRADITIONAL CULTURAL FESTIVAL DAY

SPRING LANTERN FESTIVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with