Gulangan sa duty, 2 guwardiya nagbarilan, 1 patay
April 10, 2002 | 12:00am
Isang guwardiya ang nasawi matapos umano itong barilin ng kapwa guwardiya dahil lamang sa nagkagulangan sa duty kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Dead-on-arrival nang dalhin sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Jerry dela Cruz, 34, guwardiya ng Mustang Security Agency na nakatalaga sa BF Resort Village ng lungsod na ito sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre .38 baril.
Samantala, nasa custody ngayon ng pulisya ang isa sa suspek na nakilalang si Tito Quio, 33, may-asawa, guwardiya rin sa nabanggit na security agency.
Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Wellie Dalawangbayan, ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City, naganap ang insidente dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa gate 4 ng BFRB, BF Resort Village.
Nabatid na may nakaalitan umano ang biktima na kasamahan nitong guwardiya hinggil lamang sa gulangan sa duty.
Habang naka-duty ang biktima, biglang pinagbabaril ito ng suspek na naging dahilan upang isugod sa pagamutan ng ilang kasamahan ngunit hindi na umabot ng buhay.
Nabatid na dinampot ng mga pulis si Quio dahil pinaghihinalaang isa ito sa responsable sa pagpatay kay dela Cruz.
Ngunit mariin namang itinatanggi ni Quio na may kinalaman siya sa naturang insidente. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended