Diomedes Maturan pumanaw
April 9, 2002 | 12:00am
Matapos magluksa ang libu-libong tagahanga ni Rico Yan, isa pang showbis personality ang binawian ng buhay.
Si Diomedes Maturan, 65, ng Biak-na-Bato, Quezon City ay isinugod ng kanyang pamilya sa Manila Doctors Hospital sa United Nations Ave., Ermita, makaraang magreklamo ito ng matinding paninikip ng kanyang dibdib.
Ayon kay Dr. Gerry Sy, attending physician ni Maturan, hindi na niya nagawang masagip ang buhay ng beteranong mang-aawit dahil sa lubhang malala na ang sakit nitong diabetes na naging kumplikado bunga ng kanyang paninikip ng dibdib hanggang sa atakihin sa puso.
Nabatid na binawian ng buhay si Maturan matapos ang dalawang oras nitong pakikipagbuno sa kamatayan. Cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Maturan dahil sa kumplikasyon ng diabetes at hypertension.
Napag-alaman din sa kaanak ng biktima na unti-unting bumagsak ang pangangatawan nito bago pa man isugod sa pagamutan dahil sa hindi na ito nakakakain nang husto sa dami ng ipinagbabawal na pagkain sa kanya.
Si Maturan ay tinanghal na kampeon ng Tawag ng Tanghalan noong dekada 50 sa awiting Rose Tattoo!
Pinatanyag si Maturan ng awitin na madalas maging guest sa National Press Club celebrity night kasama si Pilita Corales nang walang anumang hinihinging talent fee. Siya rin ang nagpasikat sa mga awiting Dinggin at Dahil sa Yo.
Si Maturan ang panlimang alagad ng sining na binawian ng buhay sa loob ng buwang ito. Ang iba ay sina Maestro Lucio San Pedro, National Artist at composer, Levi Celerio; at Tony Mortel, kilalang scriptwriter ng pelikula at editor-in-chief ng tabloid na Peoples Journal. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended