Engineer tinodas sa tulay
April 8, 2002 | 12:00am
Isang 40-anyos na resident engineer ng Nestle Corporation ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang lalaki matapos ang paggitgitan ng kanilang mga sasakyan sa ibabaw ng tulay ng Nagtahan sa Pandacan, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa De Ocampo Memorial Medical Center ang biktimang si Francisco Bautista, isa ring reserve officer ng Philippine Marines at residente ng 500 Celeridad st., Pasay City dahil sa tama ng bala sa kili-kili na tumagos sa likuran.
Sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi nang barilin ng suspek si Bautista sa nasabing lugar habang minamaneho ang kanyang Honda Civic ESL (WAR-885).
Nabatid na papauwi na ang biktima nang ito umano ay nagitgit ng sasakyan ng suspek na kulay puting Toyota Corolla.
Nagkaasaran ang dalawa hanggang sa mapikon ang hindi pa kilalang suspek at agad binaril si Bautista.
Nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa tatlo pang sasakyan na naging sanhi pagkabuhol-buhol ng trapiko. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest