Bukod sa pagkakulong ay pinagmumulta rin ni Judge Mario Guarina III ng Branch 13 ng halagang P150,000 ang akusadong si Angelina Granado.
Sa rekord ng korte, noong Nob. 7, 1997 ay ginalugad ng mga ahente ng NBI Special Task Force ang bahay ng kapatid ni Granado na si Victoriano Halili sa Cuyab, San Pedro, Laguna at umano ay nakakuha dito ang mga NBI ng 200 gramo ng shabu.
Sa salaysay ng dalawang NBI agents na sina Rommel Vallejo at Dave Segunial na habang kanilang ginagalugad ang bahay ay inalok sila ni Granado ng halagang P98,820.00 para pawalan ang kapatid.
Mapilit si Granado kayat gumawa ng isang entrapment operation si Vallejo na nagresulta sa pagkaaresto dito. (Ulat ni Andi Garcia)