^

Metro

Frat war sa Paco; 1 patay

-
Isang 17 anyos na lalaki ang napatay matapos na mabaril sa isang rambol ng fraternity kahapon ng madaling araw sa Paco, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Kermit Navarro, residente ng Mataas na Lupa ng nasabing lugar matapos magtamo ng isang tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap ng mga operatiba ng WPD ang isang grupo ng kabataan na responsable sa pagkamatay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon, na ang rambol ay naganap dakong alas-3:15 ng madaling araw sa kahabaan ng South Super Highway, malapit sa San Andres st., Paco.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila ang biktima na kausap ang mga kaibigan sa nasabing lugar nang dumating ang kaaway na grupo ng kabataan at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril ang grupo ng biktima.

Minalas na tinamaan ang biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga ito. (Ulat ni Cecille Suerte Felipe)

AYON

CECILLE SUERTE FELIPE

ISANG

KERMIT NAVARRO

KINILALA

LUMABAS

LUPA

MATAAS

SAN ANDRES

SOUTH SUPER HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with