Pulis, trike driver pinaulanan ng bala
April 7, 2002 | 12:00am
Isang pulis at tricycle driver ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ang mga ito ng anim na kalalakihan kamakalawa sa Caloocan City.
Ang mga biktima na ginagamot sa FEU Hospital sa Quezon City ay nakilalang sina SPO2 Andres Norona ng Caloocan City Police Sub-Station 4 at Winifredo Ebonia, tricycle driver ng San Isidro, Tala bunga ng tama ng mga bala sa katawan.
Isa sa anim na suspek na naaresto ng mga awtoridad ay nakilalang si Gerry Yuson, 31.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi habang si Norona kasama ang kanyang live-in partner na si Victoria Villar ay papasakay sa owner type jeep (DLC-924).
Biglang sumulpot si Yuson kasama ang mga kaibigang sina Jeltong Orbong, Erwin Nocum at magkapatid na sina Danilo, Rogelio at Dionisio Navalta at pinagbabaril ang sasakyan ng pulis.
Kahit na tinamaan sa kaliwang kamay at kanang pigi si Norona ay nagawa nitong sumakay sa tricycle ni Ebonia para makalayo.
Ngunit hinabol pa rin ito ng mga suspek at muling pinagbabaril na naging dahilan para tamaan si Ebonia at mapahinto.
Nagkataon na may nagpapatrulyang mga pulis at humingi ng tulong dito si Norona kayat naaresto si Yuson at nakatakas naman ang ibang mga suspek. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended