Rambol ng 2 pamilya: 1 patay, 10 sugatan
April 6, 2002 | 12:00am
Isang lalaki ang nasawi habang sampung iba pa ang nasugatan sa naganap na rambol ng dalawang pamilya dahil lamang sa agawan ng poso ng tubig kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Mario Acusar, 27, ng Mapagbigay st., Brgy. Pinyahan dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.
Patuloy na ginagamot sa nasabing ospital ang live-in partner ng nasawi na si Rodela Clemente,anak na si Julie Ann, 19, at mga pinsan na sina Alvin Estabillo at Richard Quiambao dahil sa mga tinamong mga saksak.
Sugatan din dahil sa mga saksak sa katawan ang pamilya Fabilla na nakaaway ng una na kinabibilangan ng amang si Jose at mga anak na sina Emmanuel, Ma. Victoria , Fe Castan, Jocelyn at John-john na residente din sa nasabing lugar.
Sa ulat ni SPO1 Dennis Basibas, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang rambulan sa tapat ng bahay ng pamilya Fabilla.
Nabatid na ang gulo ay nagsimula sa bakuran umano ng pamilya Fabilla ang poso ng tubig na nasa kalapit ng kanilang bahay.
Ang poso ay ipinagawa ng Sangguniang Barangay para magamit ng mga residente sa nasabing lugar.
Dahil sa ginawang pagbakod ng pamilya Fabilla, tinungo ni Mario ang bahay ng biktima para komprontahin.
Ang pagkompronta ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magrambulan ang dalawang pamilyang nabanggit. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended