Dala ng mga ito ang isang napakalaking toga na simbolo sa pagtanggap nila ng diploma ang mga nagsipagtapos sa ICT schools sa Metro Manila, Bicol, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro, Davao at iba pa ay nagmartsa mula sa Kapitolyo sa Pasig hanggang sa CHED compound at nagkakaisang tinig ang kanilang idinaing sa kasalukuyang pamahalaan partikular kay CHED chairman Manule Punzal, na kabilang pa rin sila sa mga walang trabaho sa kabila ng paggugol nila ng malaking salapi at panahon sa pag-aaral.
Sa pahayag ng Union of Fresh Leadership (U-Lead), isang non-government organization ng mga dating aktibista at mga kabataang lider sa buong bansa, muli silang nagsama-sama sa street parliament upang sa pagkakataong iyon ay makipagkaisa sa mga IT graduates sa paglalantad ng tunay na kalagayan ng mga nagsipagtapos ngayong taon at ng mga nauna pa rito.
Ayon kay Larry D. Madarang, spokesperson ng U-Lead, "dapat i-monitor ng gobyerno kung ano ang kalagayan ng mga IT schools at kung puwede ay itulak ang mga ito na magpakita ng school employment success at i-prove ang kanilang kuwalipikasyon at kakayahan sa larangan ng employment rate mula sa bilang ng mga graduates na galing sa kanila."(Ulat ni Danilo Garcia)