Nabatid mula sa isang-pahinang kautusan ni DOJ State Prosecutor Mary Josephine Lazaro, inatasan nito si Harp na humarap sa isasagawang preliminary investigation sa Abril 11 at 18, 2002. Kailangan umanong humarap si Harp sa DOJ upang personal nitong pabulaanan at ipaliwanag ang kasong kriminal na isinampa laban sa kanya.
Nakalagay din sa naturang subpoena na kailangang dalhin ni Harp ang mga dokumento at ebidensya na magpapatunay na wala siyang nalalaman sa kaso.
Magugunita na sinampahan ng naturang kaso noong Marso 6, 2002 sa DOJ si Harp ng biktima.
Nakasaad sa rekord, noong Abril 2000 ay nakita ng biktima si Harp habang ito ay nagpapraktis sa Meralco gym sa Pasig City dahil sa isang interview na kanyang gagawin dito. Madalas din umano siyang imbitahan ng Red Bull cager na magtungo sa kanyang condominium subalit ito ay kanyang tinatanggihan.
Dulot na rin ng pangungulit ni Harp, pinaunlakan na ng biktima ang imbitasyon dahil kasama naman nito ang kanyang mga kaibigan. Nagpunta sila sa bahay nito sa Unit 1605, 16th floor ng Platinum 2000 Condominium sa Annapolis st., San Juan, MM.
Naulit ang kanyang pagbisita kay Harp noong Sept. 20, 2001 sa naturang condominium. Pinainom siya ng juice hanggang sa bigla na lamang siyang nahilo. Doon umano siya pinagsamantalahan. (Ulat ni Grace Amargo)