Sa pinalabas na direktiba ni QCRTC Branch 100 Judge Abednego Adre, inatasan nito si sheriff Pablo de Guzman na dalhin ang summons kay Yllana sa bahay nito sa Parañaque City.
Sa nabanggit na summons, inutos ng korte na kailangang magbigay ng kanyang komento si Yllana kaugnay sa kasong annulment.
Nabatid na si Aiko pa ang nagbigay ng sasakyan at nagbigay ng eksaktong address ni Jomari para mai-serve sa takdang oras ang naturang direktiba. (Ulat ni Angie dela Cruz)