^

Metro

Jomari, pinatawag ng korte sa kasong annulment

-
Pinatawag na ng Quezon City Regional Trial Court ang aktor na si Jomari Yllana upang sagutin sa loob ng 15 araw ang annulment case na isinampa ng dating asawang si QC Councilor Aiko Melendez.

Sa pinalabas na direktiba ni QCRTC Branch 100 Judge Abednego Adre, inatasan nito si sheriff Pablo de Guzman na dalhin ang summons kay Yllana sa bahay nito sa Parañaque City.

Sa nabanggit na summons, inutos ng korte na kailangang magbigay ng kanyang komento si Yllana kaugnay sa kasong annulment.

Nabatid na si Aiko pa ang nagbigay ng sasakyan at nagbigay ng eksaktong address ni Jomari para mai-serve sa takdang oras ang naturang direktiba. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AIKO

ANGIE

COUNCILOR AIKO MELENDEZ

CRUZ

GUZMAN

JOMARI

JOMARI YLLANA

JUDGE ABEDNEGO ADRE

NABATID

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

YLLANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with