^

Metro

Daming sakit sa katawan, nagpakamatay

-
Dahil hindi kayang labanan ang mga sakit na diabetes, tuberculosis at sakit sa bato na dinaranas ng isang sanitary inspector ng University of the Philippines (UP), mas pinili pa nitong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ng unibersidad kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay sa isang lugar na pinangyarihan si Nicanor Librella, 48, ng #13 Pook Dagohoy dahil sa pagkabagok ng ulo at pagkabali ng mga buto sa katawan nito.

Sa report ni PO2 Joseph Dino ng Criminal Investigation Unit ng Central Police District (CIU-CPD) na bago ang pagpapakamatay ay nagpa-check-up pa dakong alas-12:30 si Librella sa UP Infirmary dahil sa mga nasabing sakit nito.

Dakong alas-6:30 ng gabi ay nagtungo sa ikaapat na palapag ng National Engineering building ang biktima at saka tumalon.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si Nomer, dahil hindi na umano makayanan ng kanyang ama ang sakit ay nag-leave pa ito upang magpatingin sa klinika.

Sinabi naman ng mga kasamahan ng biktima sa janitorial services na halos hindi sila nakakilos nang biglang tumalon sa gusali si Librella. Akala umano nila ay abala lamang ito sa paglilinis at hindi nila akalain na may binabalak itong magpakamatay. (Ulat ni Jhay Mejias)

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAHIL

JHAY MEJIAS

JOSEPH DINO

LIBRELLA

NATIONAL ENGINEERING

NICANOR LIBRELLA

POOK DAGOHOY

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with