^

Metro

Doktor tinangayan ng kotse ng driver, nabangga

-
Hindi nagtagumpay ang isang 20-anyos na personal driver sa pagtangay sa kotse ng kanyang among doktor at sa halip ay maagang karma ang tinamo nito matapos na mabangga sa kanyang pagtakas sanhi upang maospital ito, kamakalawa ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Cardinal Santos Memorial Hospital ang suspek na nakilalang si Danilo Lesondra, binata, ng #88 Gen. Luis st., Commonwealth, Quezon City.

Sa reklamo ni Dr. Antonio Tiosejo, 69, may-asawa, ng #557 Holy Cross st., Greenhills East, Mandaluyong, tinangay umano ni Lesondra na kanyang personal driver ang kanyang Mitsubishi Lancer (WCH-552) dakong alas-12:20 ng madaling-araw.

Hindi pa nakakalayo si Lesondra tangay ang naturang sasakyan nang bumangga ito sa isang poste sa may Holy Cross st., marahil dahil umano sa pagmamadali.

Agad namang isinugod sa pagamutan si Lesondra ng mga residenteng rumesponde habang kinasuhan siya ng kanyang amo sa pulisya. Nabatid na nawasak nang husto ang unahang bahagi ng kotseng tangkang nakawin nito dahil sa pagkakabangga. Nagtamo ng mga sugat sa hita ang suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

CARDINAL SANTOS MEMORIAL HOSPITAL

DANILO GARCIA

DANILO LESONDRA

DR. ANTONIO TIOSEJO

GREENHILLS EAST

HOLY CROSS

LESONDRA

MANDALUYONG CITY

MITSUBISHI LANCER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with