Bukas-kotse dagsa sa burol ni Rico
April 2, 2002 | 12:00am
Hinigpitan na ng Mandaluyong police ang pagbibigay ng seguridad sa burol ng namayapang matinee actor na si Rico Yan sa La Salle, Greenhills matapos na mapaulat na bukod sa mga bisita buhat sa daan-daang mga tagahanga nito ay dagsa rin ang mga bukas-kotse na nambibiktima ng mayayamang taga-showbiz.
Gayunman, itinanggi ni Sr. Supt. Sukarno Ikbala, hepe ng Mandaluyong police na ang paghihigpit ay bunsod ng ulat na ito.
Sinabi nito na kasalukuyang wala pa silang natatanggap na mga pormal na reklamo ng mga biktima. Lumutang sa ilang ulat sa radyo na nabiktima ng bukas-kotse ang aktres na si Princess Punzalan at ang TV host na si Eagle.
Ayon kay Ikbala, nagtalaga na sila ng isang patrol unit sa labas ng La Salle upang bantayan ang mga sasakyang nakaparada at agad na rumesponde sa anumang kaganapan.
Ilang tauhan na rin ang nakatalaga sa loob ng burol sa La Salle chapel upang magbigay ng seguridad sa pamilyang Yan at sa bangkay mismo ng aktor sa posibleng kaguluhan ng mga tagahanga na gustong makakita rito.
Kamakalawa ng gabi pa pinapapasok ng mga Yan ang mga tagahanga na dumating nang pasampu-sampu upang sandaling tumingin sa ataul ng aktor.
Sinigurado rin ni Ikbala na walang magiging malaking problema sa pagbibigat ng trapiko sa naturang lugar dahil sa pagtatalaga na niya ng mga elemento ng Traffic Management Unit (TMU) at mga enforcer ng MMDA upang mamahala sa daloy ng trapiko. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am