^

Metro

Killer naaresto sa burol ng biktima

-
Naaresto ng taumbayan ang isa sa walong suspek na umano ay pumatay sa isang painter nang aksidente itong mapadaan sa burol kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Hilario Paclian, 20, ng Guyabano St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi noong Miyerkules ay nagkaroon ng rambol sa kahabaan ng Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon kung saan ay pinagtulungan na gulpihin at saksakin ng walong kalalakihan ang biktima.

Isang saksi na nakilala lamang sa pangalang Nico, 14, ay nakita at nakilala ang isa sa walong suspek na mabilis na tumakas pagkatapos ng insidente.

Dakong ala-1:20 ng hapon habang nakikiramay si Nico sa burol ng biktima ay nakita nitong dumaan ang suspek sa burol.

Agad na tinawag ni Nico ang mga kamag-anak ng biktima at sa tulong ng mga istambay ay kanilang nasakote ang suspek na tumatakas.

Patuloy pa ang pagtugis ng mga awtoridad sa pito pang suspek na kasama ni Paclian. (Ulat ni Pete Laude)

vuukle comment

BRGY

CATMON

DAKONG

DULONG HERNANDEZ ST.

GUYABANO ST.

HILARIO PACLIAN

ISANG

MALABON CITY

NICO

PETE LAUDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with