Nagsimula ang sunog dakong alas-9 ng gabi sa Blk. 13 ng nasabing lugar at dalawang paslit dito na hindi nabanggit ang pangalan ang nagtamo ng 1st degree burn.
Dahil sa kasikipan ng mga daan sa lugar na isang squatters area ay nahirapan ang mga bumbero na agad maapula ang apoy na mabilis kumalat sa mga barung-barong na kabahayan.
Umaabot sa humigit kumulang na P15 milyon ng mga ari-arian ang naging abo.
Ilang saksi ang nagsabing may narinig umano silang malakas na pagsabog sa hindi matukoy na may-ari ng bahay.
Pinaghihinalaan ng mga residente na sinadya ang naganap na sunog na naapula ng mga bumbero bandang ala-1:45 ng madaling araw kahapon.
Ang ilan sa mga pamilyang nasunugan ay nagtatayo ng pansamantalang tirahan sa basketball court. (Ulat ni Ellen Fernando)