Navyman, namaril 1 patay, 1 grabe
March 31, 2002 | 12:00am
Isang 12-anyos na batang lalaki ang namatay, habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan ng mabaril ng isang sundalo ng Philippine Navy ang mga ito habang umaawat umano sa rambulan sa isang lugar sa Taguig, Metro-Manila.
Si Marlong Bargania,12 anyos, ng Baac St., Brgy. Western Bicutan Taguig Metro-Manila, ay patay na nang dumating sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre sa ulo. Samantala, si Arnold Saguman,12, ng nasabing lugar ay nasa malubhang kalagayan habang sumasailalim sa maselang operasyon ng tamaan ito ng bala sa katawan.
Ang suspek ay nakilalang si Petty Officer 1 Oscar Lim, isang Philippine Navy, nakatalaga sa Fort Bonifacio Naval Station sa bayang ito. Nakakulong ito sa Taguig Police Station detention cell.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Reggie Gapasin, ng Criminal Investigation Divsion (CID) Taguig Police, naganap ang insidente dakong alas-11:20 kamakalawa ng gabi sa Brgy. Western Bicutan.
Ayon kay Gapasin, inaayos umano ng suspek ang kanyang tricycle ng makarinig ng kaguluhan sa nasabing lugar.
Sinabi ni Gapasin, na kinuha umano ni Lim ang kanyang service pistol at pumunta sa lugar ng kaguluhan para umano umawat.
Gayunman, nagpaputok umano ng baril ang suspek at tinamaan ang dalawang biktima na naglalakad ng mga oras na iyon.
Bumagsak sa lupa ang mga suspek samantalang nahuli ng nagrespondeng pulis si Lim.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended