10 days ultimatum ni Perez kay Wycoco sa mga Intsik na CA
March 31, 2002 | 12:00am
Binigyan ng sampung araw na ultimatum ni DOJ Secretary Hernando Perez si NBI Director Reynaldo Wycoco, na magsumite ng kanyang paliwanag kaugnay sa mga naglabasang ulat na ginagamit ng ahensya ang mga negosyanteng Intsik bilang confidential agent (CA).
Base sa isang pahinang memorandum order ni Perez, binigyan lamang nito si Wycoco ng 10-days para magsumite ng kanyang imbestigasyon hinggil sa umanoy pagkuha nito sa mga negosyanteng Intsik bilang confidential agent ng NBI para maprotektahan ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.
Marami umano sa mga negosyanteng Intsik ang ini-sponsor ng mga pinuno ng mga departamento sa NBI at ang mga iba naman ay inisponsor ng mga piskal buhat sa Department of Justice.
Kabilang sa mga tinutukoy ng reliable source, na nagii-sponsor umano ng mga negosyanteng Intsik ay ang tanggapan ni Atty. Edmund Arugay, ng National Capital Region (NBI-NCR).
Sinabi ni Perez, dapat lamang masala ang tunay na CA ng NBI at hindi ito dapat pasukan ng mga negosyante at maimpluwensyang mga tao na gustong kumuha ng proteksyon bilang mga agent.
Ayon kay Perez, baka gamitin lamang sa ilegal na operasyon ng mga hindi kuwalipikadong CA ang kanilang tsapa at identification card para sa paggawa ng krimen. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest