^

Metro

Pinsan ni Gen. Acop kulong sa robbery/extortion

-
Nakakulong ngayon sa isang piitan sa Makati City ang isang kamag-anak ng isa sa kontrobersyal na heneral ng pulisya matapos mahuli ito sa kasong robbery extortion sa isang lugar sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni SPO4 Zuillano Molmisa, OIC ng Follow-up Section ng Makati City Police, ang suspek na si Nick Gabino Acop Aquino, 33, binata, isang contractor, ng BB-108 Alapaganan Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet at sinasabing kamag-anak ni General Reynaldo Acop.

Ang mag-asawang complainant ay nakilalang sina Arlyn, 34, at Rommel Canete, may sapat na gulang kapwa ng Dasmariñas, Cavite.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO2 Reuel Riodique, ng Theft and Robbery Section, Makati City Police, ang entrapment operation ay nangyari ng bandang alas-3 kamakalawa ng hapon sa Jollibee food chain ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, inarkila ng isang Maria Torres si Canete dahil may susunduin sila sa NAIA. Inutusan ng una ang huli na bumili ng hamburger ng bumalik siya ay wala na ang sasakyan.

Pag-uwi sa bahay ni Canete, tumawag sa telepono si Aquino at sinabing magbigay ng P30,000 halaga para ituro niya kung nasaan ang nawawalang sasakyan.

Gayunman, pumayag si Canete sa alok ni Aquino pero nagpunta ang una sa himpilan ng pulisya para humingi ng tulong.

Isang entrapment operation ang isinagawa ng pulisya kaya nahuli si Aquino. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALAPAGANAN CAMP DANGWA

AQUINO

CANETE

GENERAL REYNALDO ACOP

LA TRINIDAD

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARIA TORRES

NICK GABINO ACOP AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with