^

Metro

Rookie cop lady ginulpi ng lover

-
Isang 27-taong gulang na rookie police woman ang ginawang punching bag ng kanyang live-in partner matapos magselos ang huli sa una sa isang lugar sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ni P/Insp. Solitaire Montayre, hepe ng Women’s and Children’s Desk ng Makati City Police, ang biktima na si PO1 Antonette Orgeta, dalaga, at nakatira sa 71-A Tejeros Tenement Bldg., ng nasabing lungsod.

Samantala, ang suspek ay si Danilo Arianza, 40, vendor, hiwalay sa asawa, nakatira din sa nasabing lugar at nakakulong sa Makati City Police detention cell.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lugar ginulpi umano ni Arianza si Orgeta dahil nagselos umano ang una ng walang dahilan.

Ayon kay Orgeta, may nakatabi lamang siyang lalaki na di naman niya kilala ay agad umanong pinagseselosan ni Arianza.

Sinabi ni Orgeta, noong nagsasanay pa lamang siya bilang police woman ay madalas siyang saktan ng suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

A TEJEROS TENEMENT BLDG

ANTONETTE ORGETA

ARIANZA

AYON

DANILO ARIANZA

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

ORGETA

SOLITAIRE MONTAYRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with