^

Metro

Rookie cop ginulpi ng opisyal dahil sa Pabasa

-
Isang rookie cop ang nagharap ng reklamo sa tanggapan ng Western Police District(WPD) General Assignment Section dahil sa umano’y panggugulpi ng kanyang opisyal kasabay ng mga "maaanghang" na salitang binitiwan ng huli dahil lamang sa pagdalo niya sa ginawang pabasa sa WPD headquarters, United Nations Ave., Ermita, Manila.

Ang inireklamo ay si Chief Insp. Bernie Banalo, hepe ng WPD Field Force Unit na nakabase sa loob ng Malacañang Park matapos na ipagharap ng kasong administratibo at kriminal ng kanyang tauhan na si PO1 Christian Catahumber,26,binata, ng 584-B Main St., Sampaloc, Manila.

Base sa ulat, dakong alas-8 ng gabi noong Marso 22 naganap ang nasabing insidente sa harapan ng kanilang opisina sa nasabing lugar.

Napag-alaman, nakatoka umano si Catahumber na magbabasa ng pasyon sa WPD headquarters ng araw na iyon pero pinagsabihan siya umano ni Banalo dahil kulang sa tao ay huwag na itong magpunta sa nasabing okasyon dahil nasa ‘red alert’ sila.

Ayon kay Catahumber, niyaya siya ng isang opisyal nila para magpunta sa nasabing pabasa dahil nakatoka naman siya ng mga oras na iyon at verbal instruction ang ibinigay ni Banalo sa kanya kaya pinaunlakan niya ang una pero nagpaalam ito sa kanyang kasamang naka-duty ng mga oras na iyon.

Sa puntong ito, hinanap siya ni Banalo at nang malaman kung nasaan ang biktima ay dali-dali siyang pinatawag habang nagbabasa ng pasyon sa WPD headquarters.

Sinabi ng biktima, walang sabi-sabing pinagsusuntok siya ng suspek nang humarap siya dito at "maaanghang" umanong salita ang kanyang narinig mula sa kanyang opisyal. (Ulat ni Ellen Fernando)

B MAIN ST.

BANALO

BERNIE BANALO

CATAHUMBER

CHIEF INSP

CHRISTIAN CATAHUMBER

ELLEN FERNANDO

FIELD FORCE UNIT

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

UNITED NATIONS AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with