^

Metro

2 NBI agents, iba pang confidential agents sinibak ni Wycoco

-
Dalawang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at 44 NBI confidential agents ang sinibak ni NBI Director Reynaldo Wycoco dahil sa iba’t ibang kasong kinakaharap ng mga ito.

Hindi na konektado sa NBI si John Herra, isang special investigator, matapos na ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang apela nito sa dismissal order ni Wycoco.

Inirekomenda ni Wycoco, ang pagsibak kay Herra bunga na rin umano ng pagkakasangkot nito sa iba’t ibang kontrobersyal na operasyon.

Gayunman, pinasibak din ni Wycoco si Pio Palencia, NBI Special Investigator dahil sa kasong Absent Without Official Leave (AWOL).

Sinabi ni Wycoco, si Palencia ay nakatalaga bilang NBI special investigator sa Central Mindanao Regional Office pero hindi naman umano nagrereport sa kanyang assignment at madalas din umanong makita sa Bicol region.

Bukod sa pagtanggal kina Palencia at Herra sinibak din ni Wycoco ang 44 NBI confidential agents dahil sa pang-aabuso sa tungkulin. (Ulat ni Ellen Fernando)

ABSENT WITHOUT OFFICIAL LEAVE

CENTRAL MINDANAO REGIONAL OFFICE

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELLEN FERNANDO

HERRA

JOHN HERRA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

PALENCIA

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with