Anak grabe sa boga ng ama
March 26, 2002 | 12:00am
Isang 49-taong gulang na anak ng isang abogado ang umanoy nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng huli ang una nang magtalo ang mga ito sa negosyo sa isang lugar sa Makati City, kahapon.
Ang biktima ay nakilalang si Alfonso Blanco, ng #209 Lumbang St., Dasmarinas Village, Makati City, may-ari ng Blonville restaurant na matatagpuan sa Blanco Center building sa 119 Leviste St., Salcedo Village ng nasabing lungsod. Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan mula sa baril na kalibre .38.
Samantala, ang suspek ay nakilalang si Atty. Jaime Blanco, 76, biyudo nakatira sa nasabing gusali.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Jovenal Barbosa, ng Makati City Homicide Section, ang insidente ay nangyari dakong alas-10:30 ng umaga kahapon sa parking area ng kanilang gusali.
Ang restaurant ay pag-aari ng anak ni Atty. Blanco at ang gusali ay pag-aari ng huli.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagtalo umano ang biktima at ama nito dahil sa negosyo at sa labis na galit ng ama na naka-wheelchair tinutukan niya ng baril ang una pero sinagot siyang "iputok mo daddy".
Samantala, hindi makunan ng pahayag si Atty. Blanco dahil natulala umano ito sa pangyayari. Inimbitahan ng pulisya ang suspek sa presinto para magbigay paliwanag sa nasabing insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest