Doktor nagbigti dahil sa sakit sa atay
March 26, 2002 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 25-anyos na doktor matapos umanong mawalan ng pag-asang malulunasan pa ang sakit niya sa atay.
Kinilala ni WPD C/Insp. Johnny Taluban, ng Homicide Section, ang biktimang si Dr. Romeo Asuncion, nakatira sa Unit 202 Gardenville condominium, Sta. Mesa, Manila City.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, gumamit ng pinagdugtung-dugtong na kumot sa loob ng inuupahang silid ang biktima.
Nadiskubre, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi na nakabitin ang katawan ni Asuncion sa pang-siyam na baytang ng kanilang hagdanan.
Napag-alaman na si Asuncion ay inopera sa atay noong 1994 at nito lamang nakaraang Disyembre ay nagsimulang umatake ang kanyang sakit.
Ayon sa dalawang medical staff ng biktima na nakilala sa pangalang Raymond at Nino nagulat sila ng sumabay sa kanila sa pagkain si Asuncion na hindi naman nito dating ginagawa.
"Matapos siyang kumain ay pumasok sa kanyang kuwarto para magpahinga," anang dalawa.
Ayon sa dalawa, may dumating na pasyente kaya tinawag nila si Asuncion nagulat sila ng makita nila itong nakabitin. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended