Binata nag-suicide, numero ng lotto pinamana sa ina

Sa panigurong di na magdaranas ng hirap ang ina, pinamanahan ito ng 28 anyos na anak na binata ng numero sa lotto makaraang magpatiwakal dahil sa hirap ng buhay kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Malamig ng bangkay nang madiskubre ang biktimang si Roberto Erinco, walang trabaho, at residente ng Eastbank Road, Floodway, Bgy. Sta. Lucia, ng lungsod na ito.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng kanyang inang si Ebella, 53, sa loob ng kuwarto nito.

Sa salaysay ng ina naalimpungatan umano siya nang makarinig ng kalabog sa silid ng kanyang anak. Atubiling bumangon at tinungo ang kuwarto ng anak kung saan nakita nitong nakabitin na ang kanyang anak.

Dalawang suicide note ang nadiskubre na ginawa ng biktima. Isa rito ang humihingi ng kapatawaran sa kanyang pamilya at sinabing labis na hirap sa buhay ang sanhi ng kanyang pagpapakamatay.

Isa naman ang naglalaman ng kumbinasyon ng numero sa Mega Lotto 6/45 na kanyang inaalagaang tayaan ngunit hindi pa tumatama.

Ibinilin nito sa ina na ipagpatuloy ang pagtaya dito dahil sa naniniwala siyang masasapol rin nito ang jackpot upang tuluyang guminhawa na ang buhay ng kanyang mga naiwang mahal sa buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments