^

Metro

Maid na-onse ng P.5-M ng 'Dugo-dugo gang'

-
Muling naging aktibo ang group ng ‘‘Dugo-dugo gang’’ sa lungsod ng Quezon at tumangay ng mahigit sa kalahating milyon mula sa dalawang maid na biniktima nito.

Dumulog ang mga biktimang sina Rosita Abrea, 54, at si Perlie Porras pawang mga katiwala at stay-in maids sa 65 Surralaw St., Green Meadows Subd., QC sa Central Police District Office – Criminal Investigation Unit (CPDO-CIU) sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, QC upang ipagbigay alam ang naganap na insidente.

Batay sa salaysay nina Abrea at Porras, dakong alas-4 ng hapon ng makatanggap ng tawag sa telepono ang una mula sa isang nagpakilalang kasamahan sa trabaho ng kanilang amo na si Dolores Matias.

Ayon sa tumawag kay Abrea, nasa malubhang kalagayan ang kanilang amo dahil naaksidente ito at kailangang sumailalim sa isang operasyon.

Inutusan ng ‘‘caller’’ si Porras na kunin ang pera ng amo sa locker nito sa loob ng kanyang kuwarto at sirain na lamang ang kandado nito, kasabay sa pag-utos na dalhin ang perang makukuha sa SM North Annex sa EDSA, QC.

Dahil sa kalituhan at pangamba na may mangyaring masama sa kanilang amo, ginawa ng dalawa ang iniutos ng ‘‘caller’’ na kung saan nakakuha ng US$10,000 mula sa locker ng amo at dinala ang nasabing halaga sa lugar na pinag-usapan ng wala man lang pagdududa na sila ay na onse na. (Ulat ni Jhay Mejias)

ABREA

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DOLORES MATIAS

GREEN MEADOWS SUBD

JHAY MEJIAS

NORTH ANNEX

PERLIE PORRAS

PORRAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with