Killer cop patay sa sagupaan
March 25, 2002 | 12:00am
Isa sa dalawang suspek na tinaguriang killer cop ang nasawi sa enkuwentro sa mga elemento ng Western Police District (WPD) sa Tondo, Maynila kahapon ng tanghali.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Leo Blaster, 32 ng Vitas na umano ay pumatay kay SPO1 Raymundo Manaois noong Marso 22 na nakilalang si Leo Blaster, 32, ng Vitas St., Tondo habang nakatakas naman ang kasamahan ng suspek.
Naganap ang enkuwentro sa pagitan ng pulisya at ng mga suspek dakong alas-12 ng tanghali sa harap ng Macro warehouse na nasa Vitas St., Road 10, Tondo.
Nakilala ng mga tauhan ni Inspector Edilberto Jesusan, hepe ng Smokey Mountain Police Community Precinct ng WPD-Station 1 ang dalawang suspek na nakatayo sa tapat ng warehouse.
Agad na nagsagawa ng routine search sa mga suspek subalit hindi pa gaanong nakakalapit ang mga awtoridad ay pinaputukan na ito ng sunud-sunod ng mga suspek.
Makaraan ang palitan ng putok tinanghal na bangkay si Blaster na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan nito.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na si Blaster ang nangholdap at pumatay sa miyembro ng Philippine National Police-Aviation Security Group, Balikbayan Tourist Protection Unit na si Manaois, 47-anyos, noong Biyernes.
Magugunita na sakay ng kanyang owner type jeep ang biktimang pulis habang kasama ang asawa nito at isang anak pauwi ng kanilang bahay sa Bgy. Acacia, Malabon at habang tinatahak ang Road 10, ng maabutan ng red signal light sa Jacinto St., Tondo.
Habang naghihintay na mag-go ang traffic light, lumapit ang mga suspek at tinutukan ito ng baril kasama ang isa pang kasabwat at kinuha ang cellphone ng pulis, subalit pumalag ito kung kayat binaril hanggang sa mapatay. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am