^

Metro

Hostage-taker tinodas ng 3 lalaki

-
Namatay sa lugar ng pinangyarihan ang isang 23-anyos na lalaki na nang-hostage ng isang batang lalaki nang ito ay pagbabarilin at pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan habang nasugatan naman ang isang bantay-bayan na binaril ng una kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang suspek na tadtad ng mga saksak at tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Michael Dalimpapas ng Dumpsite Catmon ng nasabing lungsod.

Malubha namang nasugatan at ginagamot sa Tondo Medical Center si Vincent Angcon,18 na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib.

Sa ulat ng pulisya,dakong alas-9 ng gabi sa may dumpsite ay bigla na lamang umanong hinablot ni Dalimpapas at i-hostage ang isang Joy Bartolada, grade 1 pupil at residente ng Dulong Hernandez st.

Bago naganap ang pag-hostage ng suspek ito umano ay hinahabol ng tatlong armadong kalalakihan at nang masukol ay hinablot nito ang bata at tinutukan ng baril.

Habang nakatutok ang baril ay lumapit para saklolohan ni Angcon ang bata subalit binaril siya ng suspek.

Nakakuha naman ng pagkakataon ang bata na makatakas nang kagatin nito ang kamay ng suspek.

Nang makatakas ang bata,dito na lumapit ang tatlong humahabol sa suspek at dito na ito pinagbabaril at pinagsasaksak bago tuluyang nagsitakas.

Nagtataka naman ang mga nagrespondeng awtoridad kung bakit shotgun ang kanilang narekober sa halip na kalibre .38 sa suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang tatlong armadong kalalakihan. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANGCON

DALIMPAPAS

DULONG HERNANDEZ

DUMPSITE CATMON

GEMMA AMARGO

JOY BARTOLADA

MALABON CITY

MICHAEL DALIMPAPAS

TONDO MEDICAL CENTER

VINCENT ANGCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with