Welder dinedo ng bagets
March 23, 2002 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 16-anyos na lalaki ang isang 40-anyos na welder matapos na maghiganti ang una sa huli ng ireklamo niya ito sa barangay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Our Lady of Lourdes Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Frank Ibañez, ng National Power Corporation compound (NPC) Bagbaguin ng nasabing lungsod.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek at kapitbahay ng biktima na si Melvin Subing-subing at isang hindi pa nakikilalang lalaki na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Romeo Mata ng Caloocan police sub-station 1, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing compound habang papauwi ito sa kanilang bahay nang bigla na lamang harangin ng mga suspek at pagsasaksakin.
Ayon sa pulisya, posible umanong nagtanim ng galit si Subing-subing sa biktima dahilan sa nagharap ng reklamo sa barangay hall ang huli laban sa una nang magwala umano ito sa kanilang lugar.
Samantala, sinabi ni Mata na isang Rey Dantes na nagpakilalang anak ng dating konsehal sa Kaybiga ang nagpakilala sa mga awtoridad at umanoy inaarbor ang suspek dahilan sa kaibigan niya ito subalit hindi ito pinagbigyan ng pulisya. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest