^

Metro

Bagets tigok sa pengun ng kaibigan

-
Natodas ang isang 17 anyos na binata matapos aksidenteng nabaril ito ng pengun na pinaglalaruan ng kanyang kaibigan kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Ang nasawi habang dinadala sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Marlon Raymundo ng Galicia St.,Brgy.Bangkulasi.

Ang suspek na nadakip ng mga barangay tanod ay nakilalang si Aldrin Falcon,19,estudyante at kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Daniel Ferrer,dakong alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyan umanong pinaglalaruan ng suspek ang pengun na hiniram nito sa kanyang kaibigan.

Pabirong nitong itinutok ng suspek ang pengun at kinalabit subalit hindi pumutok.

Nang ito ay inulit at muling kinalabit ay nagulat ang suspek ng pumutok at tinamaan sa dibdib ang biktim na ikinasawi nito.(Ulat Gemma Amargo)

vuukle comment

ALDRIN FALCON

BANGKULASI

BRGY

DANIEL FERRER

GALICIA ST.

MARLON RAYMUNDO

NANG

NATODAS

TONDO MEDICAL CENTER

ULAT GEMMA AMARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with