Nasawi noon din si FO3 Moises Acosta Jr., 41, binata nakatalaga sa Malacañang Fire Station.
Sa imbestigasyon, nagtungo sa Sunway Refreshment na matatagpuan sa P. Guanzon St., ang biktima para uminom.
Dakong alas-10 ng gabi ng malasing ang biktima ay nakita ito ng isang waitress na nakilalang si Arlene na nilalaro ang kanyang kal. 45 na baril.
Lumabas ito sa nasabing establisimiyento at bigla na lamang itinutok ang baril sa kanyang bibig at saka kinalabit. (Ulat ni Ellen Fernando)