Dalaga sinaniban ng masamang espiritu
March 22, 2002 | 12:00am
Nanlilisik ang mga mata at naging boses ng isang lalake na nagmumula sa balong malalim at kasing lakas ng oso ang isang 19-anyos na dalaga na umano ay sinaniban ng "diyablong manliligaw" kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi habang nakikipag-inuman si Ada Gumbao, isang katulong sa UP Village sa kanyang mga kaibigan na sina Aida at Gloria ay bigla na lamang nanlisik ang mga mata nito.
Bigla na lamang itong naging boses lalaki kasabay na nagsisigaw at nagwawala at hindi ito maawat ng mga nagsidalong kalalakihan dahil sa umanoy sobrang lakas nito.
Agad na pinuntahan ng mga kaibigan ni Ada ang UP Parish priest na si Fr. Martin para umano ito mapayapa.
Pinaalis umano ni Fr. Martin ang masamang espiritu sa katawan ni Ada at binanggit nito ang isang lalaking maitim na lumiligaw sa kanya na kanyang binasted.
Ilang minuto ang nakalipas ay pumayapa na si Ada.
Ayon naman sa mga rumespondeng pulis na hindi sila naniniwala na sinaniban ng masamang espiritu at pakiwari nila na dala lamang ito ng sobrang kalasingan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am