^

Metro

Ginang sinunog ng buhay ng lover na ex-Army

-
Namatay noon din ang isang 36-anyos na ginang matapos na sunugin ng buhay ng kanyang live-in partner na dating sundalo kamakalawa ng gabi sa Taguig.

Natusta at animo’y nilitson din ang biktima na nakilalang si Liza Encinas ng Blk. 11, Lot 19,4th St., GHQ, Zone 1-C Brgy. Signal Village ng nasabing bayan.

Ang suspek na naaresto pagkatapos ng isang oras na pagtatago ay nakilalang si Andres Nad, dating miyembro ng Philippine Army.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,dakong alas-8:55 ng gabi ay lasing umanong umuwi ng bahay ang suspek at ginising umano nito ang biktima para usisain ang isang hindi nabanggit na bagay.

Galit umanong bumangon ang biktima na naging dahilan para magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa galit ng suspek ay kinuha umano nito ang gaas at binuhusan ang biktima at pagkatapos ay sinindihan.

Iniwan ng suspek ang biktima na nasusunog sa loob ng bahay na naging dahilan para maalarma ang ilang kapitbahay na tumawag ng bumbero.

Mahigit kalahating oras bago naapula ng mga pamatay sunog ang nasusunog na bahay ng biktima.

Ang suspek ay inaresto ng mga awtoridad matapos na ituro ng ilang residente ang pinagtataguan nito.

Samantala isang 45-anyos na ginang ang nasawi habang ang kapatid nitong babae ay nasa kritikal na kondisyon matapos na masunog ang kanilang tahanan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang nasawi ay nakilalang si Doris Eusebio,may-asawa ng Bagong Lipunan St., Baclaran, Pasay City.

Samantala nasa kritikal na kalagayan ang kapatid nitong si Vicky Eusebio.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima dakong alas-5:30 ng umaga sa hindi pa malamang kadahilanan.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang may dalawampung kabahayan.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naganap sa nasabing sunog at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANDRES NAD

BAGONG LIPUNAN ST.

BIKTIMA

C BRGY

DORIS EUSEBIO

LIZA ENCINAS

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PHILIPPINE ARMY

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with