^

Metro

Koreano ninakawan ng lover

-
Bumagsak kahapon ng umaga sa Mandaluyong police ang isang 33-anyos na babae matapos na ireklamo ng ka-live-in niyang Korean national na umano’y ninakaw ang P100,000 cash.

Kinilala ni PO3 Julius Pinera, imbestigador, ang naarestong suspek na si Mary Ann Salcedo, 34, may-asawa, masahista at residente ng #61 Bambang St., Bocaue, Bulacan.

Nabatid na nagreklamo kamakalawa ng gabi ang biktimang si Jong Sung Ha, 34, binata, pansamantalang naninirahan sa #2221 City Land Tower Bldg., Pioneer St., Mandaluyong.

Ayon dito, may nilakad umano sila ni Salcedo kamakalawa ng umaga sa Quezon City ngunit nagpaalam ang suspek sa kanya na may pupuntahan lang. Nang bumalik siya sa tinutuluyang condo unit, nadiskubre niya na wala na ang kanyang pera at ilang mga importanteng dokumento tulad ng marriage license at pre-marriage contract.

Pinaghinalaan nito ang suspek, nang mabatid na muling bumalik sa naturang hotel si Salcedo dakong tanghali base sa logbook ng mga guwardiya.

Nagkakilala ang bikitma at suspek noong Hunyo 2001 sa Sir William Massage Parlor sa may Quezon City na kung saan agad umano siyang na-in-love dito. Agad silang nagsama ni Salcedo at nakatakda sanang pakasalan at hindi nito alam na may-asawa na ito.

Itinanggi naman ni Salcedo ang naturang akusasyon ni Ha at pinagbibintangan lamang umano siya nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAMBANG ST.

CITY LAND TOWER BLDG

DANILO GARCIA

JONG SUNG HA

JULIUS PINERA

MANDALUYONG

MARY ANN SALCEDO

PIONEER ST.

QUEZON CITY

SALCEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with