^

Metro

Proklamasyon ni Marquez, ipinababasura ni Olivarez sa SC

-
Hiniling kahapon ni dating Parañaque Mayor Pablo Olivarez na ipawalang-saysay ng Supreme Court ang naging proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) kay Joey Marquez bilang alkalde ng naturang lungsod.

Nabatid mula sa 11-pahinang petition for certiorari ni Olivarez sa Korte Suprema na sinabi nitong dapat ibasura ang naging deklarasyon ng Comelec na si Marquez ang nagwaging alkalde ng Parañaque.

Ayon kay Olivarez, umabuso sa tungkulin ang Comelec nang hindi nito pakinggan ang kanilang naunang petisyon na humihiling na ipagpaliban ang pagkakaluklok kay Marquez bilang alkalde.

Aniya, kuwestiyonable ang proklamasyon ng Board of Canvassers noong Mayo 21, 2001 kay Marquez dahil ito ay isang verbal instruction lamang mula kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo at Commissioner Resurreccion Borra.

Iginiit ni Olivarez na minadali ang proklamasyon ni Marquez sa kabila ng katotohanang hindi pa nabibilang ang lahat ng balota sa eleksyon.

Idinagdag pa nito na binalewala lamang ng Comelec ang nakabimbin niyang kahilingan na alisin sa Parañaque City Hall Gym ang bilangan dahil sa umano’y kaguluhan at dayaang naganap doon. (Ulat ni Grace Amargo)

BOARD OF CANVASSERS

CITY HALL GYM

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMMISSIONER RESURRECCION BORRA

GRACE AMARGO

JOEY MARQUEZ

KORTE SUPREMA

MARQUEZ

OLIVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with