Akyat-bahay gang nagpasalamat sa ninakawan
March 20, 2002 | 12:00am
Matapos na tangayin ang may P100,000 halaga ng alahas at salapi, magalang pa na nagpasalamat ang isang grupo ng Akyat-Bahay Gang sa misis na kanilang biktima bago tuluyang magsitakas, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City. Dumulog sa Mandaluyong police ang biktimang si Elemelyn Visco, 41, may-asawa, bookkeeper, ng #243-A Brgy. Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong City.
Sa kanyang salaysay, mahimbing umano siyang natutulog sa kanyang kuwarto kasama ang kambal na anak dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maalimpungatan sa kaluskos na naririnig sa unang palapag ng kanilang bahay.
Nang kanyang usyusohin ito ay bumulaga sa kanya ang mahigit sa limang lalaki na agad nanutok ng patalim sa kanya. Tinakot umano siya ng mga suspek na papatayin kasama ang mga anak kapag sumigaw at inutusang manahimik na lamang.
Nang makuha ang kanilang pakay, tuluyang tumakas ang mga ito ngunit pinasalamatan pa umano siya ng isa sa mga suspek na parang ibinigay niya nang kusa ang mga nakulimbat ng mga ito. Hindi naman umano matandaan ng biktima ang hitsura ng mga suspek dahil sa patay ang ilaw sa loob ng bahay. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended