7 miyembro ng DEU inaresto sa pagnanakaw
March 20, 2002 | 12:00am
Pitong kagawad ng Drug Enforcement Unit ng Central Police District (DEU-CPD) ang inaresto ng kanilang mga kabaro mula sa Western Police District (WPD) makaraan umanong pagnakawan ang isang karinderya kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.
Ang mga suspek na sina SPO2 Dante Nagera, SPO1 Francisco Gimpes, PO3 Dominador Fernandez, PO3 Lucio Husmalaga, PO2 Meynardo Tagudar, PO2 Joel Sanchez at PO1 Estelito Mortega, nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng CPD.
Ayon kay Monisah Casan, may-ari ng Monisah cafeteria sa Elizondo St, Quiapo, dakong alas-9 ng gabi nang pumasok sa loob ng karinderya ang mga pulis.
Inakala umano ng waiter na kakain lamang ang mga ito subalit dumiretso sa kaha at sapilitang tinangay ang itim na bag na naglalaman ng P100,000.
Nang tanungin ni Casan ang mga ito, sinabi pa umano ng mga pulis na may natanggap umano silang impormasyon na ang itim na bag ay naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.
Subalit nang siyasatin ang naturang bag ay walang nakitang shabu maliban sa mga pera na kinita ng karinderya.
Nang mahalata umano ni Casan na nais lamang umano siyang perahan ng mga suspek ay kaagad itong humingi ng tulong sa tanggapan ng WPD-Special Weapons and Tactics na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended