^

Metro

Tsino na kinalasan ang nobya, nag-suicide

-
Bunsod ng hindi inaasahang pagkawala ng nobya, isang Chinese national ang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng isang shopping mall sa Quezon City.

Hindi na nakaabot ng buhay sa Rizal Provincial Hospital ang biktimang si Eugene Dy Pue Keng, 29, binata, ng 117 Riverside St., San Francisco del Monte, QC, makaraang mabasag ang bungo at mabali ang mga buto nito.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Supt. Raul Medina, hepe ng CPD-Criminal Investigation Unit, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Robinson’s Galleria sa Ortigas Avenue corner EDSA, QC.

Nabatid pa sa imbestigador na isa sa suliranin ng biktima ay ang pagkawala ng nobya nang hindi inaasahan.

Huling nakita ang biktima na tila balisang-balisa na naglalakad sa ika-apat na palapag sa nasabing mall.

Isang security guard ng mall ang nakadiskubre sa katawan ng biktima na nakabulagta at nangingisay sa ground floor ng mall.

Ayon sa pulisya, walang nakakita sa aktuwal na pagtalon ng biktima kaya nagimbal ang mga shoppers nang makita ang katawan nito na nakahandusay sa ground floor.

Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga imbestigador at inaalam kung may foul play. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EUGENE DY PUE KENG

JHAY MEJIAS

ORTIGAS AVENUE

QUEZON CITY

RAUL MEDINA

RIVERSIDE ST.

RIZAL PROVINCIAL HOSPITAL

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with