Lady reporter nangangamba na may whitewash vs PBA player
March 18, 2002 | 12:00am
Natatakot umano ang isang volunteer lady reporter na naging biktima nang panggagahasa at nahawaan umano ng sakit na tulo ng sinasabing PBA player na si Davonn Maurice Harp dahil baka daw mapabilang sa unsolved cases ang kanyang reklamo sa lakas umano ng impluwensiya ng huli.
Ito ang sinabi ni Myra, hindi tunay na pangalan na biktima ng kahayukan ni Harp nang magtungo ito sa tanggapan ng Makati Tri-Media Association.
Si Myra, na sinasabing volunteer reporter ng sports news program ng DZRB, Radyo ng Bayan ay personal na nagtungo sa opisina ng mga reporters sa Makati City dahil natatakot ito na hindi mabigyan ng katarungan at mapabilang sa mga unsolved cases ang reklamo laban kay Harp.
Ayon kay Myra, nagsampa siya ng kaso sa Department of Justice (DOJ) noong Marso 6, matapos siyang gahasain at hawaan ng sakit na tulo umano ni Harp noong Setyembre 20, 2001 sa loob ng condominium nito sa San Juan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended