^

Metro

'Hip hop boys wanted sa pulisya

-
Muling naging aktibo ngayon ang ‘Hip Hop Boys’ na nagsasagawa ng serye ng pagpatay sa mga biktimang nakukursunadahan na nagbunsod sa pagsasagawa ng malalimang follow-up operation ng pamunuan ng Central Police District (CPD) makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang vendor habang malubhang nasugatan naman ang isa pa sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Delos Santos Hospital ang biktimang si Dominador Macatani, 27, vendor, ng 70-C Victoria Ave., Brgy. Tatalon ng nasabing lungsod sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Samantala, ginagamot sa ospital si Rolando delos Santos, 22, ng 119 E. Rodriguez, Tatalon, QC, makaraang magtamo ng dalawang tama din ng bala ng baril sa dibdib at sa tiyan.

Ayon kay SPO1 Salvador Buenviaje, ng CPD-Criminal Investigation Unit, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa Gate 1 Villa Espana Subd., E.Rodriguez Ave., QC.

Sinabi ni Buenviaje, apat na kabataan na pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na ‘Hip Hop Boys’ ang responsable sa pagkamatay at pagkasugat ng mga biktima.

Nabatid sa pulisya, naglalakad umano ang dalawang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek.

Sinasabing lumapit ang dalawa sa apat na suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Marami ang nakakita ng insidente kaya ng bumagsak si Macatani ay mabilis itong sinugod sa ospital kasama si delos Santos.

Samantala, isang di kilalang babae ang itinapon sa ilalim ng flyover ng Santolan sa tapat ng Camp Crame sa EDSA, QC, kahapon. (Ulat ni Jhay Mejias)

C VICTORIA AVE

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DELOS SANTOS HOSPITAL

DOMINADOR MACATANI

HIP HOP BOYS

JHAY MEJIAS

QUEZON CITY

RODRIGUEZ AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with