Newspaper dealer nilooban, pinatay
March 18, 2002 | 12:00am
Isang newspaper dealer ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng tatlong armadong kalalakihan matapos itong pagnakawan sa kanyang bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Si Angelita Alonzo, 39, ng Blk 30 Lot 9 Salubong St., Lagro Subd., ng nasabing lungsod ay dead on the spot makaraan magtamo ng maraming tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Ayon sa ulat ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, dakong alas-3:45 ng madaling araw kahapon, nang pasukin ng mga suspek at pagnakawan ang bahay ng biktima.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa kasarapan ng tulog ang biktima ng pumasok sa loob ng kuwarto nito at siya ang pinuntirya.
Malaki ang hinala ng pulisya, na posibleng nanlaban ang biktima kaya ito inupakan ng saksak para hindi makasigaw at makahingi ng tulong.
Napag-alaman na ang katulong lamang nito na tulog din sa kabilang kuwarto ang nakarinig ng komosyon. Kaya mabilis niyang pinuntahan ang master bedroom para alamin ang kaguluhang nagaganap pero nagulantang ito ng makitang naliligo sa sariling dugo si Alonzo.
Ayon sa katulong, nakita pa niyang isa-isang dumaan sa bintana ng kanyang amo ang tatlong suspek matapos ang kaguluhan.
Gayunman, nagsisigaw ito at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay pero wala ni isa sa mga suspek ang inabot ng mga residente.
Samantala, may P10,000 halaga at mga importanteng dokumento ang nakuha ng mga suspek. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended